Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Prosecutor Richard Anthony Fadullon, bilang bagong prosecutor general ng National Prosecution Service (NPS).
Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez ngayong gabi (November 4).
Base sa liham ni Executive Secretary Lucas Bersamin kay Justice Secretary Boying Remulla, na mayroong petsang ika-30 ng Oktubre, ipinagbibigay-alam nito sa kalihim ang appointment ni Fadullon.
Papalitan ni Fadullon si dating Prosecutor General Benedicto Malcontento na nagbitiw sa puwesto noong nakaraang buwan.| ulat ni Racquel Bayan