Isinasapinal na ng Philippine National Police (PNP) ang makabago at human rights based na istratehiya sa kampaniya nito kontra iligal na droga
Ito’y ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ay sa pamamagitan ng kanilang Anti-Illegal Drug Campaign Roadmap 2024-2028.
Binigyang-diin ng PNP chief na sa ilalim ng bagong istratehiya, paiigtingin pa rin ang kampaniya kontra iligal na droga subalit ito’y sa mas makataong pamamaraan nang hindi humahantong sa patayan.
Sinabi pa ni Marbil na ang hakbay ay bunga ng mga aral ng nakalipas at pagkilala na rin sa sakripisyo ng libu-libong Pulis na nag-alay ng sarili habang gumaganap sa tungkulin.
Layon nito, ayon sa PNP chief, na pangalagaan ang dignidad ng bawat Pilipino at bigyang halaga ang mga ginawang sakripisyo ng mga Pulis para sa pagtatamo ng isang Pilipinas na ligtas at malaya sa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot. | ulat ni Jaymark Dagala