Isa na namang panibagong kaso ng MPOX ang naitala ng Quezon City Government.
Ang ika anim na pasyente na nagpositibo sa MPOX ay isang 31-taong gulang na lalaki at residente ng lungsod.
Naramdaman nito ang sintomas ng MPOX noong Oktubre 18, 2024.
Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Division, bumisita ang pasyente sa Fahrenheit Club (F Club) noong Oktubre 5 na una nang ipinasara ng pamahalaang lungsod.
Ang nasabing club ay tumanggi ring makipagtulungan sa contact tracing team, na isang paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act.
Tiniyak ng Quezon City LGU, na hindi na papayagang makakapag-operate pa ang nasabing establisyimento hangga’t hindi sumusunod sa regulasyon ng lungsod. | ulat ni Rey Ferrer