Nakaamba nanaman ang taas presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa DOE OIMB Asst. Dir. Rodela Romero, asahan na ang nasa
P0.70 – P0.90 sa gas;
P0.70 – P1.00 sa diesel;
P0.60 – P0.70 sa kerosene
Ito naman ay bunsod ng tension sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan patuloy ang nangyayaring gulo.
Nakadagdag din ayon kay Romero ang patuloy na pag-arangkada ng presyo dolyar sa pandaigdigang merkado. | ulat ni Lorenz Tanjoco