Aprubado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang batas para iurong ang first regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Batay sa pinag-isang panukala, imbes na sa May 12, 2025 ay gagawin na ito sa May 11, 2026.
Ang paglusot ng panukala sa komite ay kasunod ng pagbasura ng Korte Suprema sa Motions for Reconsideration kaugnay sa desisyon nito na hindi na kasama ang Sulu sa BARMM.
Isinulong ng Kamara at maging ng Senado ang pagpapaliban sa eleksyon para maisaayos ang komposisyon ng parliyamento dahil sa desisyon na ito ng SC.
Inaasahang maiaakyat na sa plenaryo ang panukala sa una o ikalawalang linggo ng Disyembre. | ulat ni Kathleen Jean Forbes