Nanagawan ang ilang mambabatas sa Senado na kagyat nang aksyunan ang House Bill 6509 o Free Legal Assistance for Military and Uniformed Personnel.
Sa gitna ito ng pagtalakay ng House Committee on Public Order and Safety sa isyu ng mga pulis na ginampanan ang trabaho sa giyera kontra ilegal na droga ng nakaraang administrasyon, ngunit nauwi sa pagkakakulong, dismissal, kaso, pagkasugat at pagkasawi.
“With the Committee on Justice, 2022 pa ito, naalala ko na inaprubahan na natin itong providing free legal assistance to any officer or uniformed personnel of the armed forces of the Philippines, the Bureau of Fire, Bureau of Jail [Management and Penology], [Philippine] Coast Guard, PNP, na facing any charge charge before the prosecutor’s office. Sana po maaprubahan na sa Senado.” Sabi ni House Committee on Public Order and Safety Chair Dan Fernandez.
Matatandaang nanawagan si PNP Chief Rommel Marbil ng suporta para sa mga pulis na naapektuhan ng ipinatupad na anti-drug campaign.
Ayon kay P/BGen Constanio Chinayog ng PNP Personnel and Records Management, mula July 2016 hanggang June 2022, aabot 312 ang nasawi at mauy 974 na nasugatan habang nasa line of duty.
Mayroon ding 214 na opisyal na nahaharap sa criminal chargers.
Ani Chinayog, mayroong namang benepisyo sa ilalim ng Comprehensive Social Benefits Program at RA 6963.
“Ang benefit po ng isang killed in police operations under the law, we have RA 6963 ito po sir yung 6 months salaray na ibibigay sa kaniya…sa mga nakasuhan, kanya-kanya na po sir.” Ani Chinayog.
Maging NAPOLCOM ay mayroong ganitong benepisyo rin para sa mga pulis, partikular ang mga killed at wounded in action
“Yun po kasing mga death benefits to the killed in action na mga policemen, under po yun ng NAPOLCOM. So meron po kaming mga benefits na binibigay sa kanila…and then medical reimbursement of the actual medical expense…sa mga may kaso wala po.” paliwanag ng NAPOLCOM
Pero kapwa inamin ng PNP at NAPOLCOM na wala silang dedicated na pondo para sa legal assistance ng mga pulis na mahaharap sa kaso.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo mayroong P200 million na alokasyon para sa legal assistance pero ito ay sa buong hanay ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Pero giit ni Surigao del Norte Rep. Rober Ace Barbers, kukulangin pa ang halagang ito para lang sa PNP.
Kaya panukala niya isama sa committee report ang rekomendasyon na taasan ang pondo ng legal services ng PNP.
“In this particular issue, Mr. Chair, P200 million budget for the whole DILG family for legal services is not enough. Considering the number of those that have been charged administratively and criminally…if we are indeed serious in helping the PNP, e lakihan natin yung budget ng legal services ng PNP para hindi rin po matakot ang ating kapulisan o yung kawani ng PNP na lumaban…So I guess, Mr. Chair, that when we try to propose budget for the PNP legal services this should have a place in our committee report. So that when we recommend, e sana maconsider ng DBM.” Ani Barbers. | ulat ni Kathleen Forbes