Panukala para sa pagtatayo ng evacuation centers sa buong bansa, malapit nang maiakyat sa Tanggapan ng Pangulo para malagdaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malapit nang maging isang ganap na batas ang “Ligtas Pinoy Centers Act,” o panukala para sa pagtatayo ng permanente at storm-resilient na mga evacuation center sa buong bansa.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez nasa proseso na ng enrollment ang House Bill 7354 at Senate Bill 2451, at maaari nang ipadala sa Tanggapan ng Pangulo para malagdaan.

Giit ni Romualdez na lalo lang nabigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng naturang pasilidad matapos manalasa ang bagyong Kristine.

Aniya, bilang madalas tamaan ng bagyo at iba pang kalamidad ang Pilipinas, nararapat lang na magkaroon ng ligtas na masisilungan ang mga lumilikas na residente.

“The devastation of recent storms shows us the urgent need to act. The Ligtas Pinoy Centers Act represents our commitment to safeguarding every Filipino in times of crisis, ensuring that each city and municipality will have a secure, fully equipped center to shelter and support evacuees,” sabi niya.

Oras na maging ganap na batas magtatayo ng mga evacuation centers na kakayanin ang bagyo na may lakas ng hangin na 300 kilometers per hour at magnitude 8 na lindol.

Pangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon salig sa National Building Code katuwang ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at lokal na pamahalaan.

Magiging prayoridad ang mga high-risk, disaster-prone areas.

Kada pasilidad ay may sleeping area, health care stations, shower and toilet facilities, espasyo para sa mga bata at kababaihan, at persons with disabilities (PWD)-accessible.

Mayroon din itong sanitation facility, food preparation area, emergency power, at lugar para sa mga livestock o alagang hayop.

Diin ng lider ng Kamara ang evacuation center na ito ay hindi lang basta istruktura ngunit patotoo sa pangako ng pamahalaan na walang Pilipino ang maiiwang hindi protektado.

“The Ligtas Pinoy Centers Act is both a reflection of our resolve and a beacon of hope for a safer, more prepared Philippines. This Act sends a clear message to every Filipino: in times of crisis, your safety and dignity are our priority,” saad pa ng House Speaker. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us