Panukalang amyenda sa Rice Tariffication Law at buwanang subsidiya sa maliliit na mangingisda, malaking tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine kung maisabatas na — solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan na maaksyunan na ng Kongreso ang inihaing panukala na Pantawid Pambangka Program.

Layon nito na magbigay ng ₱1,000 na monthly fuel subsidy sa mga municipal fisherfolk, kasama na ang mga apektado ng bagyong Kristine.

Umaasa rin ang mambabatas na maisabatas na ang amyenda sa Rice Tariffication Law para maitaas ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) mula ₱10 billion patungong ₱30 billion kada taon para mapabilis din ang pagbangon ng mga magsasakang sinalanta ng bagyo.

Oras na maisabatas, 2.4 milyon na maliliit na magsasaka aniya ang makakabenepisyo dito.

Paalala niya na hindi overnight ang pagbangon ng sektor ng agrikultura na pinadapa ni Kristine, kaya mahalaga ang mga batas na titiyak sa tuloy-tuloy at pangmatagalang tulong sa mga magsasaka at mangingisda.

“We are hopeful that the President would sign the ratified bill soon so that the RCEF could become a more potent tool to help small farmers, especially those in Bicol which was the worst hit by “Kristine,” ani Yamsuan.

Hanggang November 2 ayon sa Department of Agriculture, ang pinsala ng bagyong Kristine sa sektor ng agrikultura ay nasa ₱5.75 billion at naka-apekto sa may 131,661 magsasaka at mangingisda. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us