Inaprubahan ng dalawang komite ng Kamara ang panukalang batas na magtatatag ng Department of Fisheries and Aquatic Resources (DFAR).
Pinangunahan ni House Committer Chair on Aquaculture and Fisheries Resources at Bicol Saro Representative Brian Raymund Yamsuan, at Committee on Government Reorganization Vice Chair Ron Salo, ang pagtalakay sa panukala.
Layon ng House Bill na tutukan ang pamamahala ng mga yamang pangisdaan at pang-tubig ng bansa.
Ayon kay Yamsuan, ang pagtatatag ng DFAR ay mahalaga upang makamit ang layunin ng bansa na tiyakin ang seguridad sa pagkain, at mapangalagaan ang kapakanan ng 2.5 milyong Pilipinong umaasa sa yamang dagat at tubig-tabang para sa kanilang kabuhayan.
Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng pagtatatag ng Department of Fisheries and Aquatic Resources, magbubukas ito ng pagkakataon para bigyan ng nararapat na kinabukasan ang ating mga mangingisda at marine ecosystems. | ulat ni Melany Valdoz Reyes