Party-list group, itinutulak ang paglikha ng PH Medicine Bank para sa vulnerable sectors

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain si Agri Party-list Representative Wilbert Lee ng panukalang batas na naglalayong magtatag ng National Medicine Bank para sa mas episyenteng koleksyon at pamamahagi ng mga donasyong gamot at healthcare supplies sa mga nangangailangang Pilipino.

Sa 50th Anniversary ng Integrated Philippine Association of Optometrists Inc. (IPAO), kung saan naging panauhing pandangal si Lee, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng maayos na koleksyon at distribusyon ng mga donasyong gamot, upang matiyak na makakatanggap ng kinakailangang medikasyon ang mga mahihirap na kababayan.

Sa ilalim ng House Bill No. 11082 o “Medicine Bank Act,” lilikhain ang isang National Medicine Bank bilang mega-hub para sa maayos na pag-iimbak ng mga gamot, prescription, non-prescription, at over-the-counter drugs at iba pang donasyon.

Ayon sa mambabatas kapag naisabatas ito, hindi na magiging mahirap para sa ating mga kababayan ang pag-access sa gamot lalo na sa mga liblib na lugar, at sa panahon ng kalamidad.

Kasama sa mga makikinabang dito ang mga community health center at government facilities.

Itatalaga naman ang Department of Health (DOH) na magsagawa ng maingat na imbentaryo at wastong pangangalaga ng mga donasyong medikal, upang mabawasan ang pag-aaksaya at mapahusay ang paggamit ng mga healthcare supplies. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us