Nanawagan si House Deputy Minority leader at bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera para sa agarang suporta sa mga solo parent, lalo na tuwing may kalamidad na dumaraan sa bansa.
Binigyang diin ni Herrea ang matinding hamon na kinahaharap ng mga solo parent sa gitna ng krisis, at ang pangangailangan ng mabilis na aksyon mula sa gobyerno upang protektahan ang mga pamilya sa panahong sila ang pinakanangangailangan.
Aniya, bilang isang bansa, responsibilidad ng mga mambabatas na tiyaking may sapat na suporta upang maprotektahan ang kanilang mga anak at sarili sa panahon ng sakuna.
Hinimok din ng lady solon ang Department of Social Welfare and Development at mga lokal na pamahalaan, na maglatag ng emergency support framework na tutugon sa mga pangangailangan ng mga solo parent na pamilya.
Diin ng mambabatas, bilang masugid na tagapagtanggol ng mga solo parent nanawagan si Herrera sa Kongreso, na madaliin ang pag apruba ng batas na magpapalakas sa kahandaan ng bansa para sa mga pamilyang solo parent tuwing may sakuna. | ulat ni Melany Valdoz Reyes