Nanawagan si Tingog Party-list Representative Jude Acidre ng masusing pagsusuri sa mga patakaran ng “fidelity bond” ng gobyerno.
Ayon kay Acidre, dapat mataas ang bond upang maprotektahan ang public fund.
Inihayag ni Acidre and kanyang pagkabahala kasunod ng pagkakadiskubre ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa kasalukuyang halaga ng bond ng Office of the Vice President (OVP).
Tinukoy ni Acidre ang kaso ni Edward Fajarda, dating Special Disbursing Officer ang Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte kung saan, aniya, hindi balance ang financial authority nito sa kinakailangang bond.
Base sa datos ng OVP, nakapag withdraw ng cash si Fajarda ng P50 million sa kabila ng P4 million lamang na fidelity bond.
Diin pa ni Acidre na ang paggamit ng regular na pondo para sa malinaw at makatwirang gastusin sa halip na confidential fund ay mas nagpapakita ng commitment sa transparency at accountability.| ulat ni Melany V. Reyes