Party-list solon, umaasang maisakatuparan na ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa pa rin si Tingog Party-list Representative Jude Acidre na maisakatuparan ang pagpapatibay sa batas na bubuo sa Department of Disaster Resilience.

Sa pagbabalik sesyon ng Kongreso ngayong araw, sinabi ni Acidre na umaasa silang matututukan na ang isa mga panukalang isinusulong ng Tingog Party-list kasunod na rin ng pananalasa ng bagyong Kristine.

“I just also hope that we will be able to look into the Department of Disaster Resilience. Ito’y personal na namin sa Tingog. It’s been our strongest advocacy and hopefully the events of the recent months will further validate the need for a Department of Disaster Resilience.” ani Acidre

Sabi pa ng kinatawan, na pinakamainam na paraan upang kilalanin ang alaala ng mga nasawi dahil sa bagyo ay ang pagsiguro na hindi na muling maulit pa ang trahedya.

Bagamat hindi naman talaga aniya mapipigilan ang paggalaw ng kalikasan, mahalaga na may sapat na paghahanda para maiwasang magkaroon ng malaking pinsala lalo na ang pagkawala ng buhay.

“Palaging paulit-ulit namin itong mensahe panahon pa ng Yolanda. The perfect way to really recognize what has happened is to really work towards making sure that this does not happen again.” dagdag ng kinatawan

Malaki naman ang pasasalamat ni Acidre na nabigyan sila ng pagkakataon na makibahagi sa malawakang relief efforts ng pamahalaan para sa mga apektado ng bagyong Kristine.

Aniya, katuwang ang Office of the Speaker, Ako Bicol party-list at iba pang district representatives ay nakapagpaabot sila ng mga kinakailangang tulong sa mga sinalanta ng bagyo.

Hiling lang din ng kinatawan na sa panahon ngayon, hindi dapat mahaluan ng kulay politika ang pagpapaabot ng tulong para sa mga kababyang Pilipino.

“Natutuwa naman kami sa Tingog party list na nabigyan kami ng pagkakataon in our own way na maka contribute sa overall effort. Hindi man natin maibabalik yung buhay nung mga nawala. I hope that with the help that we are able to send, we can accompany naman yung mga naiwan nilang pamilya.” sabi pa ni Acidre. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us