Pinuri ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo ang pagpasa ng House Joint Committee on Government Reorganization and on Aquaculture and Fisheries and Resources ang panukalang paglikha ng Department of Fisheries and Aquatic Resources o DFAR.
Nagpasalamat si Salo sa technical working group sa pangunguna ni Cong. Loreto Acharon at mga kinatawan ng ibat ibang kinatawan ng ahensya ng gobierno.
Ayon kay Salo pangunahing may-akda ng panukala, ang DFAR ay ang natatanging ahensya na mangangasiwa ng yaman ng dagat ng bansa.
Anya, magsisilbi itong game changer para sa 2.5-M Filipinos na ang kabuhayan ay sa pangingisda na mahalaga para makamit ang national food security.
Ayon kay Salo, ang hakbang at sagot para sa “sustenance” ng 80-M na kababayang Pilipino.
Sa ngayon ang Pilipinas ang ika 8th largest fish producer globally kung saan nuong 2023 ay nasa 4.26 million metric tons.
Layon din ng panukalang batas na solusyunan ang mga hamon na kinahaharap gaya ng overfishing, habitat degradation at poverty rate. | ulat ni Melany Reyes