Paunang tulong, agad inihatid ng Bicolano solons sa mga kababayang naapektuhan ng bagyong Pepito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng pagbuti ng panahon matapos manalasa ang bagyong Pepito ay agad umikot si Sorsogon Representative Wowo Fortes para magpaabot ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Pepito.
 
Tatlong barangay sa munisipalidad ng Gubat Sorsogan ang naabutan ng tig-dalawang kilo ng bigas kada household.
 
Sa Brgy. Panganiban, 610 na kabahayan ang napagkalooban ng bigas.
 
Habang may 346 na kabahayan naman sa Brgy. Paradijon at 387 naman sa Brgy. Pinotingan.
 
Batay sa datos ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office hanggang nitong November 17 ay aabot sa 53,832 families o 201,715 na indibidwal ang lumikas sa evacuation centers dahil sa bagyong Pepito.
 
Libreng tubig naman ang hatid ng tanggapan ni Albay 3rd District Representative Didi Cabredo.
 
Inikot ng mga water tanker ang ilang barangay sa Guinobatan, Oas at Libon para magrasyon ng malinis na tubig sa mga residente. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us