PBBM, muling pinagtibay ang suporta ng pamahalaan sa mga local food manufacturers sa gitna ng pinalalakas na food security sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tuloy-tuloy na suporta ng pamahalaan sa hanay ng mga nasa local food at beverage industry.

Ang suporta ay ginarantiya ng Pangulo kasabay ng ginawa nitong pangunguna sa ginanap na inagurasyon ng Sariaya Flour Plant sa Sariaya, Quezon ng isang malaking food and beverage company.

Ayon sa Chief Executive, kinikilala ng kanyang administrasyon ang papel ng mga ito upang mas makausad pa ang socio economic growth ng bansa.

Sa pamamagitan aniya ng private partners ng pamahalaan ay lumalakas din ang farm productivity habang nakakabenepisyo din dito ang mga nasa Micro, Small, and Medium Enterprise (MSME) at natitiyak din ang seguridad sa pagkain ng bansa.

Sa harap nito ay ginarantiya ng Chief Executive na magpapatuloy ang paglikha ng supportive environment sa pribadong sektor sa pamamagitan ng mga agreement na magtataguyod sa interes ng manufacturers at consumers. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us