Pinapurihan ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang paglagda sa 15 batas sa kabila ng congressional recess.
Ayon sa House leader, iinapakita nito ang commitment ng administrasyon sa katatagan, mas maayos na government service at kabuuang pag unlad ng bansa.
Mula September 26 hanggang October 30 kabilang sa mga nilagdaang panukala ni PBBM ang:
-RA 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act kung saan ang hoarding at profiteering ay itinuturing na ring agricultural economic sabotage;
-RA 12023 o Digital Service Act;
-RA 12024 o Self-Reliant Defense Posture Revitalization Law;
-RA 12027 pagsuspindi sa pagganit ng mother tongue bilang medium of instruction sa Kindergarten hanggang Grade 3 at;
-RA 12028 Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Act;
Kasama rin sa mga bagong ganap na batas ang RA 12025, RA 12026, RA 12029, RA 12030, RA 12031, RA 12032, RA 12033, RA 12034, RA 12035 at RA 12036 na layong magtatag ng dagdag na mga metropolitan trial courts at regional trial courts sa iba’t-ibang panig ng bansa.
“The passage of these laws underscores our dedication to meaningful progress and a stronger future for every Filipino. These 15 new laws are only the beginning. We remain focused on legislation that brings real change, prioritizing safety, justice, and prosperity for all.” sabi ni Speaker Romualdez
Mula naman nang maluklok sa pwesto noong June 30, 2022, kabuuang 103 na panukala na ang napirmahan ni PBBM para maging ganap na batas.
50 dito ay of national importance at ang 53 ay para sa lokal. | ulat ni Kathleen Forbes