Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangang maibilang ang pagsasagawa ng replanting bilang kasama sa plano ng pamahalaan kasunod ng pananalasa ng kalamidad.
Ayon sa Pangulo, pinakamalaking problemang maituturing na epekto ng mga nagdaang bagyo ay ang agricultural damage.
Sa Catanduanes na lang sabi ng Pangulo, ay napag-alamang labis na naapektuhan ang produksyon ng abaka habang marami ding nasirang pananim.
Sa kabilang dako ay inihayag naman ng Pangulo na maituturing na immediate concern ay ang pagdadala ng reconstruction materials.
Nakahanda naman ayon kay Pangulong Marcos ang pamahalaan na magdala ng construction materials sa mga lugar na nangangailangan bunsod ng naganap na paghagupit ng kalamidad.
Bukod pa aniya dito ang ibinibigay na cash assistance para sa mga household na partially damaged at sa may totally damaged na kabahayan. | ulat ni Alvin Baltazar