PCG, bigo pa ring makita ang nawawalang barko sa karagatan ng Paluan, Occidental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa rin nakikita ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang cargo vessel na lumubog sa karagatan sakop ng Paluan, Occidental Mindoro noong kasagsagan ng bagyong Kristine.

Ayon sa PCG, gumamit na sila ng mga mga chopper at eroplano para hanapin ang nawawalang MV Sta. Monica A sa baybayin ng Taytay, Palawan at buong Probinsya ng Occidental Mindoro.

Bukod dito, may ginagawa na ring boat patrolling sa iba pang baybayin ng Occidental Mindoro.

Dahil dito, hiningi ng PCG ang tulong ng mga mangingisda na agad i-report sa kanila sakaling may mamataang barko sa mga lugar ng kanilang pangisdaan.

Tiniyak ng PCG na mas lalo pa nilang paiigtingin ang paghahanap gamit ang aerial, seaborne at shoreline patrolling para mahanap ang MV Sta. Monica A.

Ang naturang barko ay umalis sa Caspian, Taytay, Palawan noong October 22, ilang oras bago ang kasagsagan ng bagyong Kristine.

Lulan nito ang 10 tripolante kasama na ang kanilang kapitan at may kargang mga kalabaw. | ulat ni Mike Rogas

📸 PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us