Patuloy na mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa isla ng Boracay kasunod ng pagdating ng mga turista roon para sa Undas 2024.
Sa Cagban Jetty Port, masugid ang kanilang monitoring sa pagdating at pag-alis ng mga turista mula sa Caticlan Jetty Port Terminal, kung saan sinisigurado ng PCG ang maayos at ligtas ang kanilang biyahe.
Patuloy din ang patrol operations ng mga Coast Guard personnel sa mga karagatan sa paligid ng Boracay at sa buong probinsya ng Aklan upang mapanatili ang kaligtasan sa paglalayag. Tinatayang umabot naman sa higit 16,000 turista ang bumisita sa tanyag na isla mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 1, ayon sa tala ng Malay Tourism Office. | ulat ni EJ Lazaro