PCO, nagsagawa ng workshop para sa government at private media practitioners

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng workshop ang Presidential Communications Office (PCO) para sa mga government at private media practitioner na pinamagatang “Covering the Crisis: Media Workshop on Disaster Communications” sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Sabado, November 23.

Layon ng inisyatiba na pataasin ang kamalayan at kasanayan ng mga mamamahayag para sa mas epektibong pag-uulat sa mga kalamidad.

Gayundin, upang tugunan ang mga isyu sa ‘disaster-communications,’ partikular sa paghahatid ng komprehensibo, napapanahon, at wastong pamamahayag ukol sa mga sakuna.

Tinalakay rin sa naturang workshop ang kahalagahan ng pagpili at paggamit ng mga salita upang mas madaling maunawaan ang isang balita.

Ilan sa mga naging tagapagsalita ay ang mga eksperto mula sa Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Navy, Office of Civil Defense, at mga dalubhasa sa industriya ng media. | ulat ni Jollie Mar Acuyong, RP3 Alert

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us