Nakatakda nang isagawa bukas ang 2024 Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
Apela ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lahat ng sektor na makiisa sa earthquake drill.
Inaasahan ang partisipasyon dito ng ibat-ibang sangay ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan, mga estudyante at pribadong sektor.
Pangungunahan ng Office of Civil Defense ang earthquake drill na pasisimulan ng alas dos ng hapon.
Nilalayon nito na pagtibayin ang kaalaman at kahandaan ng lahat para sa mga dapat gawin bago,habang at pagkatapos ng lindol.| ulat ni Rey Ferrer