Nakuha ng Pilipinas ang suporta ng bansang Sweden para pondohan ang mga Infrastructure Projects ng gobyerno.
Sa pamamagitan ng government-to-government financial and development cooperation agreement ng PIlipinas at Sweden makakamit ang economic security at investment.
Sa ilalim ng kasunduan na nilagadaan kamakailan ng nila Finance Secretary Ralph Recto at Sweden’s Minister for Infrastructure and Housing Andreas Carlson maaring iaccess ng Pilipinas ang financing ng naturang bansa para sa developmental initiatives sa pamamagitan ng grants, technical assistance, at concessional official development assistance.
Ang memorandum of understanding at nagpapapamalas na maituturing na vital partner ng Sweden ang Pilipinas sa global stage.
ang kolaborasyon ay nakafokus sa mga high-impact sectors na may expertise Sweden sasustainable infrastructure, public transportation, renewable energy, and water management kabilang dito ang EDSA Busway Project, Iloilo Bus Rapid Transit, at Subic-Clark-Manila-Batangas Railway Project.
Ayon kay Sec. Recto ang mga inisytatiba ay nakadesensyo para sa transition ng bansa tungo sa mas greener, healthier, and more sustainable future. | ulat ni Melany Reyes