Nakikita ang Pilipinas bilang may pinakamalaking pag-asa para sa paglago ng pagpapautang sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya, ayon sa ulat ng Bank of America (BofA) Global Research.
Ayon sa BofA, ang Pilipinas lamang sa mga bansa sa ASEAN ang nagpapakita ng ‘improving’ o patuloy na lumalakas na trend, at mas mabilis ang pag-recover ng paglago ng pautang nito na umabot sa 9 percent to 10 percent…
Sa ilalim ng ASEAN Credit Growth Indicators index, sinusuri ng BofA ang “mga trend at mahahalagang turning points” para sa paglago ng pautang sa ASEAN-5 para matukoy ang loan growth ng mga bangko sa susunod na isa hanggang dalawang quarter.
Sa paghahambing sa mga kalapit-bansa nito, tanging ang Pilipinas lamang ang may “improving” outlook, na dulot ng pagtaas sa import growth at net sales index.
Ayon sa pinakahuling datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ng 11% taon-taon ang lending ng mga bangko sa P12.4 trilyon noong Setyembre.
Ito ang pinakamataas na paglago ng pautang mula noong 13.7% noong Disyembre 2022. | ulat ni Melany Valdoz Reyes
Photo by PNA – Joan Bondoc