Ipinagkaloob ng S&P Credit Rating sa Pilipinas ang BBB+ positive outlook.
Ayon sa Department of Finance (DOF), maituturing itong “strong vote of confidence” sa liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa kanyang sound economic at fiscal policies.
Ang revised S&P Global Rating sa Philippine Credit outlook to “positive” ang siyang maglalagay sa Southeast Asian nation malapit sa target na “A” sovereign rating.
Napanatili ng debt watcher ang Philippine long term foreign currency debt rating sa BBB+ ngunit itinaas nito ang outlook sa “positive” mula sa “stable” outlook.
Ayon sa statement na inilabas ng S&P Global, possible pa nilang itaas ang expectation outlook ng Pilipinas kapag nakamit ng gobyerno ang rapid fiscal consolidation.
Sa ngayon hawak ng Pilipinas ang Baa2 ng Moody’s, BBB ng Fitch Rating.
Ang mataas na credit rating ay makatutulong sa pag-utang gobyerno at mga negosyo sa mababang interes. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes