Pangungunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang ika-25th Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ngayong araw sa probinsya ng Samar.
Inaasahang aabot sa ₱700 million na halaga ng serbisyo at 60,000 beneficiaries ng cash aid ang ibabahagi sa mga taga-Samar sa Northwest Samar State University sa siyudad ng Calbayog.
Ito ang magsisilbing final installment ng BPSF na flagship initiative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para ngayong taon.
Layon ng BPSF na ilapit ang mga serbisyo at tulong ng gobyerno sa mga tao.
Ayon kay Speaker Romualdez na siyang “primary proponent” ng BPSF, importante na maabot ng programa ang mga pinakamahihirap sa komunidad.
Inaasahang nasa Samar ngayon ang 62 national government agencies at 61 mga miyembro ng Kamara de Representatives. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes