Pinay OFW Mary Jane Veloso na una nang nahatulan ng death sentence sa Indonesia dahil sa drug offense, makakauwi na ng Pilipinas — PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos ang mahigit isang dekadang pakikipag-usap at apela sa Indonesian government ay makakauwi na ng Pilipinas si
Mary Jane Veloso, ang Pinay OFW na naaresto noong 2010 sa Indonesia at nahatulan ng parusang kamatayan.

Ito ang inanunsiyo ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng inilabas na statement.

Sinabi ng Pangulo na sa mahigit isang dekadang pagsisikap na i- delay o iantala ang execution sa kababayan nating si Mary Jane ay nagbunga na din sa wakas na tuluyang maisalba ang buhay ni Veloso na babalik na sa bansa.

Kaugnay nito ay nagpaabot si Pangulong Marcos kay Indonesian President Prabowo Subianto ng taos-pusong pasasalamat gayundin sa pamahalaan ng Indonesia sa aniya’y kabutihan nito.

Ang hakbang ng Indonesia ayon sa Pangulo ay sumasalamin sa lalim ng ugnayan ng dalawang bansa bilang magkaalyadong nasyon at nagkakaisa sa layunin para sa katarungan at malasakit.

Idinagdag din ng Pangulo na ang kwento ni Mary Jane ay tumatagos sa puso ng marami, isang ina na naipit sa kahirapan na gumawa ng isang desperadong desisyon na nagbago sa takbo ng kanyang buhay.

At bagamat pinapanagot aniya si Mary Jane Veloso sa ilalim ng batas ng Indonesia, sinabi ng Pangulo na nananatili siyang biktima ng sirkumstansiya. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us