Umabot sa ₱222-million ang halaga ng pinsala na dinulot ng Super Typhoon Leon sa sektor ng edukasyon.
Sa inilabas na partial situational report ng Department of Education (DepEd), nasa 64 na silid-aralan ang totally damaged, nasa 125 naman na silid-aralan ang partially damaged.
Nasa ₱160 milyong piso ng mga imprastraktura ang kailangan sumailalim sa reconstruction habang nasa halos ₱63 milyon naman ang kailangan para sa major repair ng mga silid-aralan.
Batay din sa datos ng DepEd nasa 5,700 ang bilang ng mga learning resources na nasira habang nasa 160 computer sets ang sira rin dahil sa bagyo.
Inaasahan na madadagdagan pa ang bilang ng mga apektadong paaralan habang nangangalap pa ng datos ang ahensya ukol sa lawak ng pinasala ng bagyong Leon. | ulat ni Diane Lear