Anim na plantasyon ng marijuana ang nadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sitio Manggahan, Barangay Kayapa, Bakun, Benguet.
Sa ulat ng PDEA, may lawak na 1,900 square meters ang plantasyon sa nasabing lalawigan.
Sa isinagawang operasyon katuwang ng PDEA ang Philippine Army at National Intelligence Coordinating Agency sa pagsira sa taniman ng marijuana
Ayon kay PDEA RO 1 Regional Director Joel Plaza, kabuuang 12,800 piraso ng fully grown marijuana plants at 3,050 piraso ng marijuana seedlings na nagkakahalaga ng P2,682,000 ang sinunog sa mismong lugar. | ulat ni Rey Ferrer