Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan nito para umalalay sa pagbabalik Pilipinas ni Mary Jane Veloso.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, naghihintay lamang sila ng pormal na ugnayan mula sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan hinggil dito.
Gayunman, sinabi ni Fajardo na maaari silang magbigay ng seguridad kay Mary Jane mula sa paliparan patungo sa piitan nito sa Pilipinas kung kakailanganin.
Una nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-uwi ni Veloso sa Pilipinas bilang bahagi ng kasunduan nito sa pamahalaang Indonesia. | ulat ni Jaymark Dagala