Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaan sa pagresponde sa mga mangangailangan ng tulong bunsod ng pananalasa ng bagyong Marce.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen Jean Fajardo, naka-stand by na ang kanilang Search and Rescue Teams.
Gagamitin ito sa paglilikas ng mga residente sa mga delikadong lugar sa tulong na rin ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga apektadong lalawigan.
Dagdag pa niya, alam na ng mga field commander ang mga protocol sa tuwing may bagyo kaya kumpyansa sila sa mabilisang aksyon ng PNP.
Samantala, sinabi ni Fajardo na nananatili ang “efforts” ng PNP sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine at Leon. | ulat ni Jaymark Dagala