Iniulat ng Philippine National Police na may mga natanggap silang report na nagkaroon ng hakutan sa ilang mga taga suporta ng Pamilya Duterte sa EDSA-Shrine.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, ipinakita ni PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo ang video nang nangyaring pag-iinterview sa mga posibleng hakot at paglilista sa mga nabayaran umano ng P200.
Ayon kay Fajardo, pinangakuaan umano ang ibang mga dumalo na makakatanggap sila ng bayad.
Samantala, mahigpit namang binabantayan ng PNP ang ginagawang pagtitipon-tipon ng Duterte supporters sa Edsa Shrine.
Ayon kay Fajardo, nananatili sa normal level ang alert status ng Pambansang Pulisya.
Pero ayon kay Fajardo, ibinibigay na nila sa NCRPO ang pagpapasya kung may pangangailangang magtaas ng alerto sa Metro Manila.| ulat ni Jaymark Dagala