PNP, nilinaw na di sa kanila nanggaling ang impormasyon na life threatening ang karamdaman ni Apollo Quiboloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihintay na lamang ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng mga isinagawang pagsusuri ng Philippine Heart Center kay Kingdom of Jesus Christ Founder, Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang inihayag ng PNP makaraang isailalim si Quiboloy sa serye ng pagsusuri gaya ng CT Scan, Ultrasound, XRay, Stress test, at 2D Echo.

Magugunitang dinala sa nasabing ospital ang Pastor matapos dumaing ng iregular na pagtibok ng puso, na ayon naman sa kampo nito ay normal lamang dahil sa pagkakaroon ng active lifestyle.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, may hawak na silang medical abstract subalit hindi muna nila ito maisasapubliko dahil sa Doctor-Patient Confidentiality Rule.

Nilinaw din ni Fajardo na hindi sa kanila nanggaling ang impormasyon na life threatening ang karamdaman ni Quiboloy sabay giit na ibinatay lamang nila ito sa ulat ng PNP General Hospital na siyang naging susi para ilipat ito ng ospital.

Una nang pinagbigyan ng Korte ang hiling na medical forlough ni Quiboloy at pinalawig pa ito hanggang sa Sabado, November 16. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us