PNP, pinabulaanan ang mga alegasyon na mayroong nawawalang pera sa mga dating sinalakay na POGO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang mga paratang na nawawala ang mga perang nasamsam sa mga nakaraang operasyon laban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, nasa pangangalaga ng PNP ang lahat ng perang nakuha sa mga operasyon ng PNP NCRPO at PNP Anti-Cybercrime Group.

Ito ang paglilinaw ni PBGen Fajardo sa mga ulat na nagsasabing hindi ma-account ang umano’y P300 milyon mula sa mga sinalakay na POGO.

Dagdag pa niya, mahigit P180 milyon ang nakuha mula sa raid sa Sun Valley at mahigit P117 milyon naman sa Hong Thai.

Sa ngayon, nakadepende sa utos ng korte kung paano ituturn-over ang mga pera dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa mga kaso.

Ani Fajardo, posibleng nanggaling ang maling impormasyon sa operasyon sa Century Peak Tower sa Malate, Manila, kung saan walang nakuhang pera mula sa Vertex Technology at tanging gadgets lamang. Hindi rin aniya nabuksan ang mga vault dahil wala ito sa warrant. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us