Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na hindi na dadagdagan ng Senado ang subsidiya ng gobyerno sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Isa ang PhilHealth sa nakatakdang kwestyunin ng mga senador sa plenaryo matapos ang inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema kaugnay sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury.
Ayon kay Escudero, hindi na dadagdagan ng Senado ang subsidiya ng gobyerno sa mga programa ng PhilHealth dahil sa dami ng sobrang pera ng state health insurer.
Talo kasi aniya ang mga miyembro ng PhilHealth kung hindi muli magagamit ang pondo ng ahensya lalo na tuwing may inflation.
Iginiit pa ng senate leader, hindi na dapat manghingi ng malaking pondo kung hindi naman ito nagagamit o nauubos sa katapusan ng taon.
Isa lang aniya ito sa mga dapat na linawin ng PhilHealth sa magiging plenary deliberations sa panukalang 2025 budget. | ulat ni Nimfa Asuncion