Pondo para sa pagtugon sa mga kalamidad, titiyaking sapat sa 2025 national budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairperson Senator Grace Poe na palalakasin ng panukalang 2025 budget ang calamity fund para makapaghatid ng mabilis at napapanahong tulong sa mga komunidad na naaapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa bansa. 

Ayon kay Poe, nasa P21 billion ang nakalaang pondo para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) o calamity fund para sa susunod na taon. 

Mas mataas aniya ito ng P500 million kumpara sa alokasyon ngayong taon. 

Giniit ni Poe, bukod sa pagbibigay ng agarang tulong dapat ring makatugon ang calamity fund sa rehabilitation needs ng mga nasasalantang lugar. 

Binigyang diin rin ng senador, ang kahalagahan ng pre disaster operations para maiwasan ang seryosong epekto ng kalamidad. 

Ipinahayag rin ni Poe ang suporta para sa pagpapataas ng quick response fund ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us