Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang kahandaan sa pagpasok ng panibagong bagyong Pepito sa bansa.
Sa ulat ng PRC, in-activate na ang kanilang anticipatory action efforts para maprotektahan ang publiko sa perwisyong idudulot ng bagyo.
Payo ng PRC Disaster Management Services sa komunidad na protektahan na ang mga tahanan, mga pananim at iba pang kabuhayan.
Nagsasagawa na rin ang Local PRC ng imbentaryo sa mga gamot partikular ang doxycycline, suplay ng dugo at iba pang response resources at assets.
Naka standby na rin anila ang mga water tanker, water treatment units, at food trucks para sa potensiyal na relief operations.
Ngayon pa lang, naka alerto na ang mga volunteer at staff ng red cross sa anumang preemptive evacuations sa hight-risk areas at ang pagsasagawa ng community monitoring at assessment.
Batay sa trajectory ng Bagyong Pepito, mahigpit na binabantayan ng Red Cross ang epekto nito sa Northern Samar, Northern, Central, at Southern Luzon.| ulat ni Rey Ferrer