Puspusan ang paghahanda ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa paparating na bagyong Pepito.
Isinagawa ang Camp Management Orientation ng tangapan ng City Social Welfare and Development sa syudad ng Calaca, Batangas.
Layon nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang lahat ng provincial employees na naka assign sa mga evacuation centers sa pagdating ng bagyo.
Ang camp management orientation ay isinasagawa sa buong pamahalaang lungsod bilang bahagi ng kanilang disaster preparedness.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang relief operations pamahalaang panlalawigan sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha at landslides sa nagdaang bagyo.
Patuloy din ang ginagawang mabilis na pagtugon ng kapitolyo sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas katuwang ang ilang government agencies at private sector. | ulat ni Melany Reyes
📷 Batangas PIO