Proseso ng paglabas ng pharma products sa bansa, pinadali ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumugon ang Food and Drug Administration (FDA) sa direktiba ni Ferdinand R. Marcos Jr. na patatagin ang healthcare system ng Pilipinas, at siguruhin ang access ng publiko sa de kalidad na medisina.

Ang FDA, pinasimple ang pagproseso ng exporting pharmaceutical products at Active Pharmaceutical Ingredients (APIs), sa pamamagitan ng paglalabas ng bagong administrative order.

Sa bisa ng Administrative Order (AO) No. 2024-0012, masisiguro ng pamahalaan ang availability ng ligtas, epektibo, at de kalidad na pharmaceutical products.

“Section 15 of Executive Order (EO) No. 175 s. 1987, amending Republic Act (RA) No. 3720, or the Food, Drug, and Cosmetic Act,” and RA No. 9711, or “Strengthening of the Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009,” prohibit the manufacturing, sale, importation and export of medicine and medical equipment without proper registration with the Department of Health (DOH).” —PCO.
Ang mga exporter ng pharmaceutical products, dapat na mag-comply sa regulasyon ng National Drug Regulatory Authority (NDRA) ng bansang pagdadalhan ng gamot.

Layon rin ng AO na ito, na siguruhin na ang mga ilalabas na gamot sa Pilipinas ay hindi misbranded at tumutugon sa regulasyon ng ibang bansa.

“The FDA, headed by Director General Samuel A. Zacate, has been supportive of the country’s export industry while maintaining the availability of safe and high quality medical care for all Filipinos. —PCO. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us