Publiko, hinikayat ng OCD na maging “proactive” o gumawa ng mga kaukulang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Marce

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahandaan na ng pamahalaan ang tinatawag na “cone of uncertainty” o ang pagbabago ng direksyon ng bagyong Marce.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. bilang chairperson ng National Disaster Risk Reduction and management Council (NDRRMC) batay na rin sa ulat ng PAGASA.

Kaya naman pinayuhan ng kalihim ang publiko, partikular na iyong mga lugar na tatamaan ng bagyo na maging proactive o gumawa ng mga kaukulang paghahanda.

Pinayuhan din nito ang mga Regional Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pang mga ahensya na hindi na baleng magkamali ng tantsa kung tatama sa kanila ang bagyo basta’t tiyaking ligtas at pinaghandaan ang paghagupit ng kalamidad.

Kasunod nito, pinag-iingat din ng kalihim ang publiko sa mga kakalat na maling impormasyon hinggil sa bagyo kaya’t mahalaga na ugaliing maki-balita sa mga mapagkakatiwalaang source. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us