Sinang-ayunan ng publiko ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pag-iwas ng mga ahensya ng pamahalaan sa magarbong selebrasyon ng Christmas party ngayong taon.
Ito aniya ay bilang oakikisimpatiya sa mga Pilipinong nawalan ng buhay, bahay at hanapbuhay dahil sa sunod-sunod na kalamidad.
Ayon sa ilang Pilipinong nakausap ng Radyo Pilipinas, tama ang naging desisyon ng Pangulo hinggil sa nasabing selebrasyon.
Giit ni Mang Roy, isang jeepney driver, tama na itulong na lang ang pera ng pamahalaan sa biktima ng bagyo kaysa magkaroon ng magagarbong selebrasyon..
Ayon naman kay Mang Joey, may-ari ng isang karinderya, maganda ang naging hakbang ng Pangulo na tutukan ang kapakanan ng mga biktima ng bagyo.
Para naman kina Kuyang ben at ferds na kapwa moto taxi riders, marapat lang na unahin ang kapakanan ng bansa sa halip na ang mga pansariling interes. | ulat ni Lorenz Tanjoco