Publiko, pinag-iingat sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng BSP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko laban sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng BSP, upang manghingi ng pera at mangako ng bahagi sa pondong umano’y nakadeposito sa isang bank account.

Ginawa ng BSP ang pahayag nang makatanggap sila ng ulat na isang nagngangalan na “12 Stars Sunflower Holding Corporation” na pagmamayari ng isang Princess Jonah Seneca ang gumagamit ng pangalan ng BSP.

Nilinaw ng BSP, na hindi ito nag-aalok, humahawak o naglalaan ng mga deposit account para sa mga indibidwal.

Hinikayat din ng BSP ang publiko, na huwag magpadala ng pera sa mga hindi kumpirmadong account at umiwas sa pakikipagtransaksyon sa mga taong nagkukunwaring opisyal o ahente ng BSP.

Pinapahuyan din ang publiko, na beripikahin ang mga impormasyon mula sa mga ganitong entity at indibidwal na nagpapakilalang konektado sa BSP, at iulat ang kanilang mga iligal na aktibidad sa mga susunod na contact details.

Bangko Sentral ng Pilipinas, A Mabini ST. Cor. P Ocampo St., Malate Manila Philippine Contact number (+632) 8811-1277 0 88111BSP
[email protected]. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us