Bago ang pagsisimula ng pangangampanya,nagpaalala na ang Quezon City Government sa mga pulitiko na maging responsable sa paglalagay ng kanilang banners at tarpaulins sa Lungsod Quezon.
Alinsunod sa City Ordinance # SP -2021 S-2010, anumang political propaganda sa QC ay dapat ipaskil lamang sa mga lugar na itinalaga ng Commission on Elections.
Ipinagbabawal din ng ordinansa ang mga election materials na ikinakabit sa mga poste ng Meralco, mga pampublikong kagamitan at pasilidad tulad ng street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at mga overpass.
Bawal din ang mga items na streamers, tarpaulin, tin plate, sticker, polyeto, decal, printed notices, signboard, billboard, at iba pang advertising paraphernalia.
Bawat barangay sa Quezon City ay magkakaroon ng COMELEC-designated poster area.
Samantala, maaari ring aprubahan ng COMELEC ang karagdagang poster areas para sa mga pampublikong lugar tulad ng plaza, palengke, barangay centers, at mga kaugnay na lugar. | ulat ni Rey Ferrer