Quad Comm co-chairs, handang mag-inhibit at sumailalim sa pagtatanong ukol sa sinasabing pamimilit kay Col. Grijaldo na magsinungaling

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handang mag inhibit sa pagdinig ng Quad Committee sina Representative Dan Fernandez at Benny Abante, co-chairs ng komite.

Ito ay sakaling talakayin ng komite ang alegasyon ni Police Chief Colonel Hector Grijaldo, na kinausap siya ng dalawa para sang-ayunan ang salaysay ni dating PCSO General Manager Royina Garma partikular ang tungkol sa reward system sa war on drugs.

Ani Fernandez, ito aniya ay para matiyak na magiging “transparent, impartial, at honest” ang imbestigasyon.

Giit niya, ito ay para sa integridad ng Quad Comm at para hindi na dungisan ang imahe ng komite dahil lang sa kanila ni Abante.

Dahil naman sa hindi sumipot si Grijaldo sa pulong ay inisyuhan ito ng show cause order.

Sa isinumiteng liham ni Grijaldo, sinabing may iniinda itong sakit sa balikat. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us