RADM Jose Ambrosio Ezpeleta, opisyal nang naupo bilang ika-41 Flag Officer in Command ng Philippine Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang naupo sa pwesto si Rear Admiral Jose Ambrosio Ezpeleta, bilang ika-41 Flag Officer in Command ng Philippine Navy.

Kasunod ito ng iginagawad na retirement ceremony kay Vice Admiral Toribio Adaci Jr., na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (November 15).

Si Ezpeleta ay una nang nagsilbi bilang ika-57 Vice Commander ng Philippine Navy, (Aug 14, 2024).

Miymebro ng Philippine Military Academy “Sambisig” Class of 1991; At una na ring naglingkod bilang ika-65 Chief ng Naval Staff at Commander ng Naval Forces Southern Luzon. 

Sa naging talumpati ng admiral, sinabi nito na isang karangalan ang panibagong responsibilidad na ipinatong sa kaniyang balikat.

Nagpasalamat ito sa tiwala at kumpiyangsang ibinigay ni Pangulong Marcos sa kaniya at sa pagkakataon na mapaglingkuran ang mga Pilipino.

Nagpasalamat rin ito sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense (DND), at sa outgoing Flag in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. sa suporta sa kaniyang kakayahan.

Ipagpapatuloy aniya niya ang paghabol sa tagumpay sa anomang misyon na kaniyang gagawin simula ngayong araw.

At titiyakin rin ni Ezpeleta na laging tama ang mga desisyon na kaniyang gagawin.

Kinilala rin ng opisyal ang lumalawak na teritoryo at responsibilidad ng Pilipinas. Gayundin ang geopolitical issues at tension sa labas ng bansa, at mga hamon na kinahaharap ng Pilipinas sa kasalukuyan.

Dahil dito, ipinangako ng opisyal na mananatiling competitive ang kanilang hanay at handa sila sa anomang hamon na kahaharapin ng bansa, sa linya ng pagprotekta at pagdepensa ng Pilipinas. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us