Isang kolektibong pahayag ang inilabas ng mga mambabatas sa Kamara na miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas, kaugnay sa mga binitiwang salita at pagbabanta ni Vice President Sara Duterte, laban sa mga matataas na lider ng Kamara.
Sa pahayag na pinangunahan ni House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos, mariing kinondena ng mga PFP House members ang pag-atake sa demokrasya.
Kanila ring itinatakwil ang anumang uri ng karahasan, pagbabanta at aksyon na makokompromiso ang kaligtasan ng taumbayan at katatagan ng bansa.
“We strongly and unequivocally condemn any attacks against our democracy and reject all forms of violence, threats, or actions that jeopardize the safety of our people, and the stability of our nation.” saad sa opisyal na pahayag.
Inihayag din ng mga mambabatas ang pakikiisa at patuloy na suporta sa liderato ni House Speaker Martin Romualdez.
Kumpiyansa ang mga mambabatas na patuloy na pamumunuan ng House Speaker ang bansa, na may awa at habag sa taumbayan, respeto sa rule of law, at pagtulong sa pagpapatupad ng mga pambansang polisiya patungo sa economic at moral recovery.
“In solidarity, we rally behind the Honorable Speaker fully confident that he will continue to lead our nation with compassion for the people, respect for the rule of law, vigilance in safeguarding our country and countrymen, and renewed vigor in steering our national policy toward the path of economic and moral recovery.” sabi pa sa statement ng mga mambabatas
Maliban kay Rep. Marcos kasama sa mga nagpahayag ng suporta sina Rep. Rida Robes, Ria Vergara, Leody Tarriela, Isidro Lumayag, Marlyn Primicias-Agabas, Richard Gomez, Linabelle Ruth Villarica, Ralph Wendel Tulfo, Horacio Suansing, Eulogio Rodriguez, at Maria Jamina Agarao.
Ang PFP ang partido ng Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Kath Forbes