Patuloy pa rin ang naitalala ng PSA na pagbaba sa presyo ng bigas sa merkado.
Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nananatili pa rin sa single digit level na 9.6% ang rice inflation na malayo sa 24.4% na antas nito noong marso.
Paliwanag pa nito, base effect ang dahilan kung bakit mas mabilis ang rice inflation nitong oktubre dahil sa ipinatupad na price cap sa bigas noong nakaraang taon.
Tuloy tuloy naman aniya ang buwanang pagbaba ng presyo ng bigas kada buwan gaya ng well milled rice na nasa P55.28 ang average retail price nitong oktubre mula sa P55.51 presyo noong setyembre.
Maging ang special rice ay bumaba na sa P63.97 mula sa P64 noong setyembre.
Inaasahan naman ng PSA na patuloy na bababa ang presyo ng bigas sa mga susunod pang buwan. | ulat ni Merry Ann Bastasa