Sapat na budget para sa mga kalamidad, tiniyak ng DBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ni Budget Secretary Aminah Pangandaman na mayroon pang budget na magagamit ang bansa sakaling may mga sumunod pang kalamidad. 

Ang paglilinaw ay ginawa ng kalihim matapos umanong ma-misinterpret ng ilang kritiko ng gobyerno na naubos na ang pondo para sa kalamidad. 

Ito ay dahil na rin sa sunod-sunod na mga bagyo at EL Niño phenomenon na tumama sa Pilipinas ngayong taon. 

Sinabi ng kalihim na hanggang nitong October 24 ay mayroong ₱30 billion na Quick Response Fund (QRF) ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Agriculture (DA), Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Department of Transportation-Philippine Coast Guard (DOTr-PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Office of Civil Defense (OCD), at Department of Health (DOH). 

Pero dahil sa magkakasunod na bagyong Kristine, Leon, at Marce ay halos naubos na ang QRF ng mga nabanggit na ahensya. 

May natitira pa naman daw na ₱7 billion na maaaring hingiin ng mga ahensya na sangkot sa pagtugon sa mga kalamidad. 

Ang pondong Ito ay maaaring kunin sa Unprogram Appropriation, Contingent Fund, at Local Government Support Fund. 

Katunayan, humingi na daw ang DSWD at DPWH ng dagdag na QRF sa DBM at ito ay kasalukuyang pinoproseso na. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us