SBMA, nakipag-ugnayan sa mga ahensya para sa Maritime Incidents at Emergency Response

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang pakikipagtulungan nito sa iba’t ibang ahensya upang itatag ang Inter-Agency Task Force for Maritime Incidents and Emergency Response (IATF-MIER).

Layon nitong tiyakin ang mabilis at epektibong pagtugon sa environment emergencies sa pangunahing freeport ng bansa.

Kamakailan, nilagdaan ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa pagtatatag ng IATF-MIER ng SBMA, Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Customs (BOC), PNP Maritime Group, at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

Ayon kay SBMA Chairperson at Administrator Eduardo Jose L. Aliño, napapanahon ang pagbuo ng IATF-MIER dahil sa mga insidente ng oil spill sa baybayin ng Bataan, na nagdulot ng malaking pinsala sa marine life at kabuhayan ng mga apektadong komunidad.

Aniya, binubuo ito ng mga dalubhasa sa kani-kanilang larangan upang makipag-ugnayan para maiwasan ang mga aksidente sa ating navigational waters.

Bukod sa pagtugon sa mga insidente, layunin din ng task force na magsagawa ng mga information at education campaign sa mga baybayin upang paigtingin ang kamalayan sa pag-iwas sa maritime incidents at mabilisang emergency response.

Samantala, nag-donate din ang US Embassy ng anim na Unmanned Aerial Vehicles (UAVs) o drones na ipa-partner sa Starlink Mobile Internet upang palakasin ang monitoring at response ng SBMA. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us