Ipinakalat na ng Office of Civil Defense Region 2 ang Search, Rescue, and Retrieval Teams sa lalawigan ng Cagayan bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Ofel.
Kabilang sa deployment ng OCD para sa bagyo ang 3rd Light Urban Search and Rescue Team mula sa 525th Combat Engineering Battalion ng Philippine Army na binubuo ng 20 sundalo.
Nakatutok ito sa forced evacuation katuwang ang Local Response Team mula sa iba’t ibang barangay.
Nananatili sa Red Alert Status ang Regional Emergency Operation Center ng OCD sa Cagayan Valley Region kaya’t patuloy ang ugnayan sa mga stakeholder para maipaabot ang tulong sa mga nangangailangan. | ulat ni Jaymark Dagala